Monday, October 3, 2016

Totoo bang may "MALAS at SUWERTE"?


Totoo bang may

MALAS at SUWERTE?

                                                                                       
            
          Naranasan mo na ba yung parang ang malas malas mo sa buhay? o minsan naman feeling mo ang swerte swerte mo naman... Teka' muna, totoo bang may malas at swerte? Naalala ko noong bata pa ako, madalas kong marinig  mga katagang " Ay naku ang malas mo talaga," "Napaka suwerte naman ng batang ito" at marami pang iba na may kaugnayan sa paniniwalang may swerte at may malas. Sa aking karanasan sa buhay kung totoong may malas...masasabi kong kabilang ako dun, simula sa pagkabata ko at hanggang sa magkamalay kakabit ko ang malas. 
                                              
                      Naranasan mo bang one day one eat,  sometimes no eat? na dapat nasa school ka para magaral pero kailangang lumiban para magtrabaho sa bukid at sa halip nakikipaglaro ka mas mamarapatin mo na magbanat ng buto para kumita ng pera nang sa ganun ay may pambili ng bigas, ulam at pang baon ng nakababata mong kapatid. Sariwa pa sa aking isipan noong grade 4  ako nag collapse ako sa school dahil sa gutom

              Ingit na ingit ako sa mga pinsan ko kasi may tv sila, may ref, at kompleto ng gamit sa bahay samantalang kami wala, nakikipanood lang kami ng tv. Sa naranasan ko sa buhay pwede kong sabihing malas ko talaga. Ang nabangit ko palang na karanasan ay ang buhay ko noong bata pa ako, Alam nyo ba na hindi jan nag tapos ang pagiging malas ko kung totoong may malas. Minsan talaga ay may mga pagkakataong parang ayaw sumangayon sa atin ang kapalaran. Nagpupursigi ka naman, ginagawa mo naman ang tingin mong tama, at todo sa pag-exert ng effort pero ang ilap pa rin sayo ng suwerte. Pero totoo ba talaga na mayroong suwerte at may malas! Dahil sa paniniwalang may suwerte at may malas dito tuloy lumalabas ang inggit, galit sa mundo at insecurities. At dahil sa karanasan kong ito, tinanong ko ang sarali ko "Ano bang mga dapat gawin kapag nararamdaman ko na ang malas malas ko sa buhay?" 

                    Unang ginawa ko tinangap ko kung anong sitwasyon ako meron, nakita ko naman na sapat ang biyaya ng Panginoon, kompleto ang aking kamay at paa, wala akong kapansanan at higit sa lahat meron akong sapat at wastong pag iisip. At sa puntong ito napag tanto ko na hindi malas at hindi rin kasalanan ang pagiging mahirap ko. Alam kong ang naranasan ko ay maaring bunga lang ng maling disisyon ng aking mga magulang. Subalit hindi ko sila sinisisi sa karanasang kong yun, dahil alam kong hindi rin naman nila yun ginusto.
            
            Kaya ngayon nasa sa inyo na kung maniniwala kayo na may malas at suwerte, may mga unsuccessful pwede ba nating sabihing malas? may mga successful tama bang gamitin nati ang salitang swerte? Ano man ang mapag desisyonan nyo sa salaitang yan...ito lang ang masasabi ko...

                   

                      Oo, imposible! imposible na maging totoo ang malas kung tama ang mga disisyon mo. Kaya ako, habang hindi pa huli ang lahat sinisikap ko na maging tama ang mga disisyon ko dahil nakasalalay dito ang kinabukasan ng aking pamilya at mga anak. "Suwerte" huwag na nating gamitin ang salitang suwerte dahil...


                                       
                         Kapag may target tayo, at pinag sikapan natin na matupad, maaring mangyari, at para sa akin hindi suwerte ang tawag dun kundi "tagumpay." Tagumpay sapagkat naging tama ang naging desisyon mo.

"Habang may buhay, may pag asa! Bumangon ka." hindi pa huli ang lahat...kagaya ko, dumating sa punto na ayaw ko nang mangarap...pero sa biyaya at ng Panginoon muli nyang binubuhay ang aking mga panagarap. 

                Gusto mo ba isang araw isa ka na sa tinatawag na Successful at kagaya mo rin ako na nangangarap ng magandang legacy o maipapamana sa mga anak at sa saling lahi. Kaibigan, HINDI AKO MALAS. Hindi kailanman malas ang taong nakaka-experience ng hindi magandang buhay. Marahil eh hindi ko pa panahon o maaring sinusubukan lang ang kakayahan ko.
Kahit gaano pa kabigat ito, meron at merong brighter side yan, I just need to identify it. Ngayon kung gusto mo rin makita ang nakita ko na nakapag pabago ng pananaw ko sa buhay just click this. 

No comments:

Post a Comment